Duterte tiniyak na ligtas ang pera ng Japanese investors sa kanyang gobyerno
Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Japanese na nais magnegosyo sa Pilipinas na ligtas ang kanilang mga pera sa kanyang administrasyon.
Sa keynote address ng presidente sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan, sinabi nito na sa kanyang termino ay ligtas ang perang ipupuhunan ng mga negosyante Japanese man o Chinese.
Sinabi ng pangulo na wala nang korapsyon sa kanyang gobyerno.
“Who wants investments? Who wants it? My country needs it. Now the investors, be it a Japanese, a Chinese, the first thing is: Is our money safe? “Well, in my term, it is safe. Is there no corruption? There is no corruption. I have killed all of them already. Some but not all,” ani Duterte.
Tulad ng pahayag noong Miyerkules, sinabi muli ni Duterte na tutugunan niya ang pangangailangan ng mga Japanese businessmen.
Mayroon na anyang magandang business environment sa Pilipinas at pinalakas ang mga polisiya para padaliin ang sistema ng pamumuhunan.
“Through good governance, we have created an enabling environment that allows businesses and investments to prosper. We have initiated a comprehensive tax reform program. We are strengthening domestic policies to promote ease of doing business and competitiveness,” giit ng pangulo.
Samantala, tiniyak din ng pangulo na accounted lahat ang mga donasyon ng Japan para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Hindi pa anya nagagastos ang mga tulong mula sa ibang bansa dahil unang ginamit ang pera ng Pilipinas.
“Do not worry all the donors of the country your money is in the bank. They are all pledges. And the money that Japan and everybody contributed are all accounted for. We have not spent the foreign aid assistance. We spent first our own money,” ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.