Duterte pabalik na sa bansa matapos ang Japan trip

Pabalik na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa matapos ang apat na araw na working visit sa Japan.

Umalis ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Haneda Airport alas 9:58 ng gabi local time o alas 8:50 ng gabi oras sa Pilipinas.

Dala ng Pangulo pauwi ang P300 bilyong halaga ng investment deals mula Tokyo na magreresulta sa mahigit 80,000 na trabaho para sa mga Pilipino.

Si Duterte ang naging keynote speaker sa 25th International Conference on the Future of Asia ng Nikkei at nakipag-pulong ito kay Prime Minister Shinzo Abe.

Una rito ay tiniyak ng Pangulo sa mga Japanese businessmen na papatayin niya ang anumang uri ng katiwalian sa bansa.

Nangako rin ito sa mga overseas Filipino workers na patuloy niyang isusulong ang malinis na gobyerno.

 

Read more...