AFP naglabas ng pahayag sa pagkamatay ng isang Dutch national na bihag ng ASG sa Sulu

By Clarize Austria May 31, 2019 - 08:52 PM

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagkakapaslang sa isang Dutch national sa Patikul, Sulu Biyernes (May 31) ng umaga.

Si Ewold Horn, isa sa mga dinukot ng Abu Sayyaf ay nasawi sa naganap na bakbakan sa pagitan ng grupo at ng mga sundalo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Noel Detoyato, kasalanan ng mga Abu Sayyaf ang pagkamatay ng dayuhan.

Nanawagan naman si Detoyato sa mga tao sa Jolo na tulungan ang tropa ng militar sa paghuli sa mga Abu Sayyaf upang makamtan ang inaasam nilang kapayapaan.

 

TAGS: abu sayyaf group, AFP, Patikul Sulu, abu sayyaf group, AFP, Patikul Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.