Hold-up suspect patay matapos mang-agaw ng baril sa loob ng police station

MPD FB PHOTO

Nang-agaw umano ng baril kaya’t napatay ng mga pulis ang holdaper na nakapatay ng isang babaeng pasahero sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa loob mismo ng Station Investigation Division ng MPD Station 3 napatay si Enrique Lugto.

Ayon kay Police Brig. Gen. Vicente Danao, director ng Manila Police District, sumasailalim sa booking process si Lugto nang tangkain nitong agawin ang baril ng isang babaeng pulis.

Si Lugto ang pangunahing suspek sa isang insidente ng panghoholdap sa loob ng pampasaherong jeep noong Mayo 26.

Itinulak din nito ang isang babaeng pasahero na nagresulta sa pagkamatay nito.

Naging viral pa sa social media ang video ng ginawa ni Lugto sa pasahero.

Nabatid na may drug case din na kinakaharap ang suspek.

Read more...