Hold-up suspect patay matapos mang-agaw ng baril sa loob ng police station

By Jan Escosio May 31, 2019 - 08:27 PM

MPD FB PHOTO

Nang-agaw umano ng baril kaya’t napatay ng mga pulis ang holdaper na nakapatay ng isang babaeng pasahero sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa loob mismo ng Station Investigation Division ng MPD Station 3 napatay si Enrique Lugto.

Ayon kay Police Brig. Gen. Vicente Danao, director ng Manila Police District, sumasailalim sa booking process si Lugto nang tangkain nitong agawin ang baril ng isang babaeng pulis.

Si Lugto ang pangunahing suspek sa isang insidente ng panghoholdap sa loob ng pampasaherong jeep noong Mayo 26.

Itinulak din nito ang isang babaeng pasahero na nagresulta sa pagkamatay nito.

Naging viral pa sa social media ang video ng ginawa ni Lugto sa pasahero.

Nabatid na may drug case din na kinakaharap ang suspek.

TAGS: Enrique Lugto suspek, Hold-up suspect patay, loob ng police station, mang-agaw ng baril, Manila Police District, Maynila, Police Brig. Gen. Vicente Danao, sta cruz, Enrique Lugto suspek, Hold-up suspect patay, loob ng police station, mang-agaw ng baril, Manila Police District, Maynila, Police Brig. Gen. Vicente Danao, sta cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.