Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng rollback sa presyo ng LPG at AutoLPG

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 07:30 PM

May magandang balita na sasalubong sa unang araw ng Hunyo.

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang pagpapatupad nila ng rollback sa presyo ng kanilang LPG epektibo bukas, Araw ng Sabado, June 1.

Ayon sa kumpanyang Petron, mayroon silang bawas na P6.25 sa kada kilo ng kanilang LPG mula alas 12:01 ng madaling araw bukas.

Katumbas ito ng P68.75 na bawas sa kada 11 kilogram LPG cylinder.

May bawas din ang Petron na P3.45 kada litro sa kanilang AutoLPG.

Ang kumpanyang Phoenix Petroleum naman parehong halaga din ang rollback sa kanilang LPG at AutoLPG na epektibo rin alas 12:01 ng madaling araw bukas.

Ang kumpanyang Solane naman ay P6.09 kada kilo o P66.99 kada 11-kilogram na LPG tank ang bawas-presyo.

Epektibo ang rollback ng Solane alas 6:00 ng umaga bukas.

TAGS: AutoLPG, LPG Price, LPG tank, Petron, Radyo Inquirer, rollback, AutoLPG, LPG Price, LPG tank, Petron, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.