Tuparin ang kasunduan sa ‘climate change’ – Santo Papa

By Kathleen Betina Aenlle December 15, 2015 - 03:05 AM

 

pope-francis-tagle-0116Matapos mabuo ang Climate Change Agreement ng Conference of Parties 21 (COP21) na ginanap sa France, nanawagan si Pope Francis sa lahat ng mga bansa na magtulungan at magkaisa sa pagtupad sa mga napagkasunduang hakbang para labanan ang mga matitinding epekto ng climate change.

Matatandaang bunga ng labis niyang pag-aalala sa kalikasan, isinama niya ito sa mga tema ng kaniyang papacy.

Sa misa ni Pope Francis, sinabi niya sa harap ng mga pilgrims at turista na ang labis na maaapektuhan ng climate change ay ang mga mahihirap sa buong mundo.

Kaya naman ani Pope, dapat magtulungan ang lahat at kumilos ng may dedikasyon para sama-samang labanan ang mapanirang epektong dala ng climate change sa ating mundo.

Kasabay nito, hinimok ni Pope ang lahat ng mga lider ng mga bansa na sundin at tuparin ang kani-kaniyang responsibilidad sa kasunduang sinelyohan sa Paris.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.