Electronic wastes na naipasok sa bansa, ibabalik na sa Hong Kong sa Lunes
Ibibiyahe na sa Lunes, June 3 pabalik ng Hong Kong ang mga basura na naipasok sa bansa at ngayon ay na sa pantalan sa Misamis Oriental.
Ayon kay John Simon, port collector sa Mindanao International Container Terminal, ang nasabing mga basura galing Hong Kong ay dumating sa bansa noong Pebrero at idineklara bilang electronic accessories.
Ang consignee nito ay may address sa Pasay City at abandonado ang kargamento mula nang dumating noong Pebrero.
Kalaunan natuklasang ang laman nito ay mga basura o mga electronic waste gaya ng computer parts.
Sinabi ni Simon na isang container lang ang naturang mga basura pero kailangan itong maialis agad sa bansa dahil hazardous ang laman nito.
Hindi kasi aniya municipal waste o household waste ang laman ng container kundi mga electronic waste na medyo mataas ang chemical content.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.