Erwin Tulfo nag-sorry sa mga nasabi kay DSWD Sec. Bautista

By Clarize Austria May 31, 2019 - 06:18 PM

Humingi ng tawad ang radio personality na si Erwin Tulfo sa labis niyang pagsasalita laban kay DSWD secretary Rolando Bautista matapos nitong hindi magpaunlak ng panayam sa isang programa.

Sa programa ni Tulfo sa Radyo Pilipinas, araw ng Biyernes, inamin niya na sumbobra ang kanyang pananalita sa dating army general.

Pero ayon kay Tulfo ginagawa lamang aniya ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag na punahin ang mga opisyal ng gobyerno.

Paglilinaw din niya na humihingi siya ng paumanhin sa excessive na pagra-rant pero hindi sa kanyang pagpuna sa kawani.

Matatandaang sinabi ni Tulfo sa kanyang isang programa na buwang at pagsasabihan nya ang sekretarya matapos hindi pumayag na magpa-interview si Bautista.

Binanggit din ni Tulfo na sasampalin ang dating heneral na ikinadismaya naman ng mga aktibo at nagretirong mga sundalo.

Dagdag pa niya, dapat inaasahan na ni Bautista ang kritisimo kahit na isa siyang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Tulfo ay kilala sa kanyang matalas na dila at matapang na personalidad.

TAGS: dswd, Erwin Tulfo, Rolando Bautista, dswd, Erwin Tulfo, Rolando Bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.