Bus, nahulog sa bangin sa Argentina, 41 patay

By Jay Dones December 15, 2015 - 03:03 AM

 

Mula sa google

41 katao ang nasawi karamihan dito mga pulis, nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang bus sa northwest Argentina.

Ang naaksidenteng bus ay bahagi ng convoy ng tatlong bus na naglalaman ng mga tauhan ng Argentina border police.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumabagtas ang bus sa highway 34 sa bayan ng Rosario del Fuente sa lalawigan ng Salta nang sumabog ang isa sa mga gulong nito kaya’t nawalan ng kontrol ang driver.

Nabangga muna ng bus ang mga barrier bago nahulog sa bangin na may lalim na 20 metro.

Bagaman sugatan, anim sa sakay ng nahulog na bus ang nakaligtas at nasagip ng mga rumespondeng medical units.

Nagpahatid na ng kanyang pakikiramay ang presidente ng Argentina na si President Mauricio Macri sa pamilya ng mga nasawing alagad ng batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.