Pag-alis sa Smartmatic bilang supplier hindi garantiya na wala nang magiging aberya sa eleksyon – PPCRV
Kung ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang tatanungin, hindi garantisado na magiging perpekto na ang halalan kapag nagpalit ng kumpanyang hahawak sa automated election ng bansa.
Ito ang pahayag ni PPCRV Board Member Dr. Arwin Serrano, bilang reaksyon sa naging sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat palitan na ng Comelec ang Smartmatic.
Sinabi ni Serrano, kahit pa magkaroon ng bagong partner ang Comelec sa automated elections, kung hindi naman masosolusyunan ang iba pang problema sa halalan, hindi matitiyak na wala nang suliranin sa eleksyon.
Nilinaw naman ni Serrano, nais pa din nilang marinig ang pinal na magiging desisyon ng pangulo sa Comelec, at nais din nilang marinig kung ano ang magiging pinal na sagot naman ng poll body.
Gusto rin ng PPCRV na malaman ang resulta ng ginawang forensic investigation sa mga naging problema nitong nakalipas na national at local elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.