P2P operation sa UV Express kinansela muna ng LTFRB
Hindi na muna ipapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa susunod na dalawang linggo ang memorandum circular na nagbabawal sa mga UV Express sa pagbababa at pagsasakay ng pasahero sa labas ng terminals.
Sa halip sinabi ng LTFRB na ipapatupad ang memorandum circular no. 2019-25 na nagsususpinde sa 2-kilometrong radius policy ng UV express sa kalagitnaan ng Hunyo.
Marami ang nagreklamo nang ilabas ng LTFRB ang nasabing kautusan.
Nakatanggap din ng reklamo ang House Committee on Metro Manila Development hinggil sa utos ng LTFRB.
Biglaan kasi umano at hindi muna isinailalim sa konsultasyon ang naturang polisiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.