Gilas Pilipinas magsasanay sa Spain

By Clarize Austria May 31, 2019 - 04:53 PM

Hindi na itinuloy ng Gilas Pilipinas na pumunta ng Russia at dumiretso na lamang sa Espanya para sa mga nakaabang na tune-up matches.

Ayon kay Gilas coaching staff Yeng Guiao, nakaplano na magsanay ang koponan sa Russia ngunit isang laro lamang ang inalok ng pederasyon doon.

Pinili nila ang Spain dahil nakita ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mayroong maliit na tournament kung saan makakalaban ng Gilas ang Spaniards, Ivory Coast, at Congo.

Ang Gilas team ay nasa iisang bracket kasama ang Serbia, Italy at Senegal sa Fosha para sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 worlds.

Ang Espanya ay ikinokonsiderang isang global power sa nasabing sport.

Kasalukuyang inaayos ang iskedyul ng pag-alis dahil ang mga maglalaro sa GIlas na mula sa mga teams sa PBA at mayroong nagaganap na pagbabago sa schedule ng Commissioner’s Cup.

TAGS: basketball, Gilas Pilipinas, basketball, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.