Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, Mimaropa police information officer, ang nasawi ay si Police Senior Master Sergeant Nelzahib Aizo, na naka-assign sa Aborlan municipal police station.
Naglalakad lamang umano si Aizo sa harapan ng kaniyang bahay sa Barangay Plaridel nang siya ay tambangan alas 6:20 ng umaga ng Biyernes, May 31.
Dead on the spot ang biktima.
Agad namang tumakas ang hindi nakilalang salarin sa direksyon na patungo ng bayan ng Narra.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para mahuli ang suspek. (END/DD)
MOST READ
LATEST STORIES