Arraignment kay Rep. Rolando Andaya Jr. para sa kinakaharap na mga kasong graft ipinagpaliban ng Sandiganbayan
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. sa kinakaharap niyang kasong may kaugnayan sa P900-million Malampaya fund scam.
Sa halip na ngayong Biyernes, May 31 itinakda na lamang ng Sandiganbayan 3rd division ang arraignment sa July 12.
Ito ay makaraang maghain ng petition for certiorari, with a prayer for a temporary restraining order, ang kampo ni Andaya sa Korte Suprema.
Layon ng petisyon ni Andaya na mapigil ang pagpapatuloy ng pagdinig ng anti-graft court sa kaniyang kaso.
Sinabi ni Sandiganbayan Division chief Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang itutuloy sa July 12 ang arraignment kay Andaya maliban na lang kung maglalabas ang TRO ang Korte Suprema.
Si Andaya ay nahaharap sa 97 bilang ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at 97 bilang din ng kasong malversation of public funds through falsification of public documents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.