40 kilo ng stingray meat nakumpiska sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 02:39 PM

Aabot sa 40 kilo ng karne ng stingray ang nakumiska ng mga tauhan ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) ng Cebu City sa isang palengke sa bayan ng Carbon.

Isinagawa ang operasyon sa Carbon Public Market kung saan nadatnang naka-display at ibinebenta ang karne ng stingray sa isa sa mga tindahan sa seafood section.

Ayon kay Dr. Alice Utland, pinuno ng DVMF, agad dinakip ang tindera na si Maricar Noquillo.

Ani Utlang, may nakita silang isang stingray na nakalatag at ibinebenta at nang inspeksyunin ang tindahan ay natagpuan ang maraming iba pa.

Labag sa City Ordinance No. 2006 ang pagbebenta at pagbili ng karne ng stingray at pating.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay pagbabawalan nang magtinda sa palengke at pagmumultahin ng P1,000 para sa unang paglabag.

TAGS: Carbon public market, cebu, Radyo Inquirer, Stingray, Carbon public market, cebu, Radyo Inquirer, Stingray

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.