Police Major Espenido natuwa sa hatol ng korte kay Parojinog Jr.

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 02:24 PM

Ikinatuwa ni Ozamiz City Police Major Jovie Espenido ang naging hatol na guilty ng korte kay Reynaldo Parojinog Jr.

Dumalo si Espenido sa promulgation ng kaso ni Parojinog Jr. sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Nagpasalamat si Espenido sa naging pasya ng korte dahil nagbunga na aniya ang effort ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa bahay ng pamilya Parojinog.

Nakikita rin ni Espenido na magandang panimula ito sa iba pang drug cases na nakasampa sa iba’t ibang mga korte sa bansa laban sa malalaking personalidad na sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Ang operasyon noon sa bahay ng pamilya Parojinog ay pinangunahan ni Espenido na ikinasawi ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at asawa niyang si Susan.

TAGS: Jovie Espenido, Radyo Inquirer, reynaldo parojinog, Jovie Espenido, Radyo Inquirer, reynaldo parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.