Tone-toneladang tilapia apektado ng fish kill sa Taal Lake

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 01:04 PM

Hindi bababa sa 150 tonelada ng tilapia ang naapektuhan ng fish kill sa Taal Lake sa Batangas.

Inilarawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na “natural” at “man-made” ang nangyaring fish kill sa mga fish cage sa Barangay Gulod at Buso-Buso sa bayan ng Laurel .

Sinabi ni Batangas environment officer Elmer Bascos na noong Miyerkules sila unang nakataanggap ng ulat hinggil sa fish kill.

Tuwing Mayo aniya nangyayari ang pagkasawi ng mga isda sa fish cages dahil sa lagay ng panahon.

Noong nakaraang linggo nagpalabas ng abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sinabihan ang mga cage operator na masusing bantayan ang kanilang stocks dahil sa pagbaba ng oxygen level.

Pero sa kabila nito, iniimbestigahan din ng DENR ang posibleng hindi magandang practice gaya ng “overstocking” at “overfeeding.”

TAGS: Batangas, DENR, Fish kill, Taal Lake, Batangas, DENR, Fish kill, Taal Lake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.