Sen. Ralph Recto may pangamba sa pagtaas ng buwis sa sigarilyo
Sinabi ni Senate Pro Tempore Ralph Recto na makakabuti na ayusin muna ang mga isyu sa pangongolekta ng buwis at paggasta bago dagdagan ang buwis sa mga produktong-tabako.
Nangangamba si Recto na maaring palalalain pa ng mataas na buwis sa sigarilyo ang korapsyon sa gobyerno.
Aniya nagpapatuloy ang mga problema sa pagbibigay ng serbisyo, lalo na sa pangkalusugan at sa health insurance system.
Layon ng tobacco tax hike na mapondohan ang Universal Health Care Program.
Pagdidiin nito kapag dinagdagan pa ang pondo sa health insurance ay maaring madagdagan lang ang nakukumlimbat ng mga tiwaling taga-gobyerno kundi muna aayusin ang mga problema.
Binanggit pa ni Recto maging ang gobyerno ay kulang ang ibinibahagi mula sa koleksyon ng mga buwis at aniya malaki ang utang sa DOH at PhilHealth.
Suhestiyon nito pag-usapan ng Department of Finance, DOH at PhilHealth ang kani-kanilang paraan sa paggasta para sa UHC para matiyak na walang pondo ang masasayang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.