LOOK: Nakaw na trak at dalawang motorsiklo na-recover sa Caloocan

Na-recover ng Caloocan City Police ang dalawang motorsiklo at isang trak na hinihinalang nakaw.

Nakita bandang alas 11:00 ng gabi ng Huwebes, May 30 ang trak sa Barangay 178 at ang dawalang motorsiklo sa Barangay 146 Caloocan City.

Ayon sa Record Unit ng Northern Police District, may nagreport sa kanilang tanggapan na may mga abandonadong sasakayan sa lugar.

Walang plaka ang puting truck at ang isang motorsiklo na kulay itim at pula.

Ang isang motorsiklo naman ay may plakang NC87587.

Dinala na ang mga na-recover na sasakyan sa Anti-Carnapping Unit.

Read more...