Online at Mobile App transactions ng BPI may bayad na

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 12:19 PM

Simula sa July 1 maniningil na ang BPI o Bank of Philippine Islands ng fee o bayarin para sa online at mobile app transactions ng kanilang mga kliyente.

Libre dati ang transaksyon sa BPI gamit ang online at mobile app services.

Ayon sa BPI, simula sa July 1, ang bank to bank transfers ay may bayad nang P50 kada transaksyon habang ang transfer sa unenrolled third party account ay P10 ang bayad.

Pinayuhan ng BPI ang mga kliyente na ienroll and 3rd party accounts para sa libreng fund transfers.

Maari itong gawin sa pamamagitan ng pagbisita sa anumang branch ng BPI o ipadala sa branch ang nilagdaang Third Party Account Enrollment Form.

Libre naman para sa limitadong panahon lamang ang transfer sa unenrolled accounts sa pamagitan ng QR code habang mananatiling walang bayad ang dollar to peso transfer at transfer sa sarili accounts at enrolled accounts.

TAGS: bpi, mobile app services, online transactions, service fee, bpi, mobile app services, online transactions, service fee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.