Jersey ng ama ni Stephen Curry isinuot ng rapper na si Drake sa Game 1 ng NBA finals

Agaw-pansin ang rapper na si Drake sa pag-arangkada ng Game 1 ng NBA finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Si Drake na kilalang superfan ng Raptors ay maagang dumating sa court para manood ng laban.

Pero naging agaw-pansin ang suot na jersey ng Grammy winning artist.

Suot kasi nito ang number 30 jersey ni Dell Curry, ang ama ni Warriors star player Stephen Curry.

Si Dell Curry ay naglaro sa Toronto sa loob ng tatlong season mula 1999 hanggang 2002.

Nagkataon ding naroroon si Dell at asawang si Sonya para suportahan ang Warriors at anak nilang si Steph.

Magugunitang napagsabihan ng pamunuan ng NBA si Drake at pinaalalahanan sa limitasyon nito bilang fan.

May pagkakataon kasi sa game 4 ng laban ng Raptors at Milwaukee Bucks na humahawak at kinakausap ni Drake ang players at coach ng Raptors.

Read more...