NPD nakapagtala ng halos 500 katao na lumabag sa ordinansa sa nakalipas na magdamag

By Noel Talacay May 31, 2019 - 09:30 AM

Nakapagtala ang Northern Police District o NPD ng 449 violators ng mga ordinansa ng ilang syudad na sakop nito sa buong magdamag.

Ang datos ng mga lumabag ay mula sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Ayon sa NPD, ang mga ordinansang nilabag ay kinabibilangan ng pag-inom ng alak sa pampublikong lugar na may 82 – katao, smoking ban – 115 katao, walang damit o suot pang-itaas – 65 katao at curfew – 107 na menor de edad.

Maliban dito, may naitala rin ang NPD na insidente ng riot o gang war kung saan may 80 katao ang nahuli.

Ang ilan sa mga nahuli ay menor de edad.

Ayon sa record ng NPD, sa 449 na mga nahuli, 133 ang pinagmulta at 316 ang binigyan ng warning.

Ang bilang ng mga lumabag ay naitala mula 5:00 ng umaga ng May 30 hanggang May 31 sa kaparehong oras.

TAGS: caloocan, curfew, Malabon, navotas, northern police, ordinance, smoking ban, valenzuela, caloocan, curfew, Malabon, navotas, northern police, ordinance, smoking ban, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.