JV Ejercito sa posibleng posisyon sa gobyerno: ‘Mahirap tumanggi’

Mahirap tumanggi.

Ito ang reaksyon ni outgoing Senator JV Ejercito makaraang magpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na sya ay bibigyan ng posisyon sa gobyerno.

Ayon kay Ejercito, isang karangalan na siya ay ikunsidera ng pangulo para sa pwesto sa pamahalaan.

Kung siya ay bibigyan ng pwesto ng pangulo, nangangahulugan aniya ito ng panibagong pagkakataon para magserbisyo siya sa bayan.

Sinabi pa ni Ejercito na isang malaking karangalan na ang siya ay ma-aapreciate ng pangulo ng bansa.

Read more...