Maynilad may maghapong water service interruption sa ilang bahagi ng QC, Caloocan at Valenzuela
UPDATE: Maghapon na makakaranas ng mahina hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Caloocan, Valenzuela at Quezon City.
Ayon sa abiso ng Maynilad, ito ay dahil sa nararanasang power interruption sa bahagi ng kanilang La Mesa Pumping Station.
Hanggang alas 6:00 ng gabi mamaya (Biyernes, May 31) makararanas ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ang sumusunod na mga barangay:
CALOOCAN
– 174 hanggang 178
– Pasong Putik
QUEZON CITY
– Bagong Silangan
– Batasan Hills
– Commonwealth
– Holy Spirit
– Greater Lagro
– Kaligayahan
– Pasong Putik
– Payatas
Hanggang alas 8:00 naman ng gabi ang service interruption sa sumusunod na mga barangay:
CALOOCAN:
– Brgy. 166 (Caybiga)
– Brgy. 169
– Llano
QUEZON CITY:
– Brgy. 169
– Capri
– Gulod
– Nagkaisang Nayon
– North Fairview
– Nova Proper
– San Agustin
– Sta. Monica
VALENZUELA:
– Canumay West
– Gen. T. De Leon
– Lingunan
– Marulas
Humingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga apektadong residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.