Planong pagpalit ni Sen. Villar kay Sen. Sotto bilang senate president hindi alam ng ilang senador
Walang alam ang ilang senador sa ‘di umano’y plano na ipalit si Senator Cynthia Villar kay Senator Vicente Sotto III bilang Senate president sa pagpasok ng 18th Congress.
Ang plano ay ibinunyag ni incoming Sen. Imee Marcos at itinuro niyang utak dito ang kapwa niya bagong senador na si Francis Tolentino, ng PDP Laban.
Inamin ni Marcos na susuportahan niya ang plano dahil kapartido niya si Villar sa Nacionalista Party.
Ngunit ang kapartido nilang si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay nagsabing hindi niya alam ang plano.
Ayon kay Recto ang alam niya ay walang interes si Villar na pamunuan ang Senado at suportado niya si Sotto.
Ang pang apat na miyembro ng NP ay si incoming Sen. Pia Cayetano.
Sinabi naman ni Sen. Ping Lacson ang pagpapalit naman ng liderato ng Senado ay nakadepende sa mayoryang bilang na 13 kahit anupaman ang motibo.
Sa huling pahayag, sinabi ni Villar na pag iisipan niya ang plano kapag pornal na ito napag-usapan.
Bago ito sinabi ni Villar na ang gusto lang niya ay mapanatili ang pamumuno sa Commitee on Agriculture.
Samantala, una na rin sinabi ni Sotto na walang problema sa kanya kung matanggal siya sa puwesto ngunit aniya sa kanyang palagay ay suportado siya ng hanggang 16 senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.