Rebeldeng NPA patay, mga armas nakumpiska sa sagupaan sa Eastern Samar

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 07:44 AM

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army makaraang makaengwentro ang mga otoridad sa Borongan, Eastern Samar.

Nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 14th infantry battalion ng Philippine Army nang madaanan ang kampo ng NPA sa Sitio Bagong Barrio sa Barangay Pinanag-an.

Nagkaroon ng palitan ng putok kung saan nasawi ang isang NPA member.

Marami ring armas na nakumpiska sa naturang kampo na kinabibilangan ng mga sumusunod:

– .357 magnum na may apat na bala
– 1 IED
– 2 magazine para sa AK-47
– 2 rifle grenades
– 1 M203 ammunition
– 15 backpacks
– assorted na mga gamot
– 3 blasting caps
– 5 cellphones
– 1 detonator o bomb switch
– samu’t saring mga bala para sa AK-47, M16, Garand rifles
– at mga dokumento

Pawang ligtas naman ang mga sundalo sa nangyaring engkwentro.

TAGS: Borongan, eastern samar, encounter, NPA, Borongan, eastern samar, encounter, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.