R. Kelly nahaharap sa 11 bagong kaso na may kinalaman sa sex assault at sexual abuse

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 06:59 AM

Labingisang panibagong kasong may kinalaman sa sexual assault at sexual abuse ang kinakaharap ng raper na si R. Kelly.

Kabilang sa kaso ang apat na bagong felony cases kung saan aabot sa 30 taong pagkakabilanggo ang maximum na parusa.

Pero ayon sa abugado ni R. Kelly, ang mga kaso ay may kaugnayan sa dati nang reklamong isinampa sa kaniyang kliyente.

Ilang ulit nang itinanggi ng 52 anyos na si R. Kelly na may kinalaman siya sa reklamo ng nag-iisang complainant.

Bago ito, si R. Kelly ay naunang sinampahan ng 10 bilang ng kasong sexual abuse na isang Class 2 felony kung saan apat ang sinasabing nabiktima niya.

Nakalaya pansamantala ang singer makaraang maglagak ng piyansa.

TAGS: R. Kelly, sexual charges, R. Kelly, sexual charges

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.