Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Bulacan, Laguna, ilang bahagi ng Batangas at Quezon

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Bulacan, Laguna at ilang bahagi ng Batangas at Quezon.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 6:22 ng umaga, uulanin sa susunod na 2 oras ang Bulacan at Laguna.

Habang nakararanas naman na ng malakas na buhos ng ulan ang San Juan, Lobo at Rosario, Batangas; at ang General Nakar sa Quezon.

Sinabi ng PAGASA na maaring magdulot ng pagbaha at landslides ang nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Read more...