19 pasahero na nawawala matapos lumubog ang tourist boat sa Hungary, pinaghanap pa rin

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 06:33 AM

Patuloy ang paghahanap sa 19 na turista na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang tourist boat sa Hungary.

Nagsasagawa ng scenic view ang “Mermaid” cruise nang bumangga ito sa isang mas malaking barko at saka lumubog.

Nangyari ang aksidente malapit lang sa labas ng Parliament Building sa Budapest.

Ayon sa Hungarian police, hawak na nila ang kapitan ng Viking River Cruise na nakabangga ng cruise boat na Hableany (Mermaid) bago ito lumubog.

Isinasailalim sa imbestigasyon ang 64 anyos na Ukranian captain ng barko.

Lulan ng Hableany ang 33 South Koreans at dalawang Hungarian crew nang mangyari ang aksidente.

Pito sa mga turista ang nasawi, 19 ang nawawala pa habang ligtas na ang pitong iba pa.

Kapwa ligtas din ang dalawang crew.

TAGS: Hungary, Radyo Inquirer, sea accident, Hungary, Radyo Inquirer, sea accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.