Frontal system at ITCZ nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ayon sa PAGASA

Apektado pa rin ng frontal system ang Northern Luzon habang Intertropical Convergence Zone naman o ITCZ ang nakaaapekto sa Visayas.

Base sa weather forecast ng Pagasa ngayong araw, ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Apektado naman ng ITCZ ang Eastern Visayas, Palawan, at Mindoro Provinces. Ang ITCZ ay magdudulot din ng kalat-kalat nap ag-ulan at thunderstorms.

Ayon sa PAGASA ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods at landslides.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay aasahan pa rin ang pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.

 

Read more...