Tanong ni Duterte sa LGBT community sa Japan: ‘Bakla ba si Trillanes?’
Pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasarian ng matindi nitong kritiko na si Senator Antonio Trillanes IV.
Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Japan, tinanong ng Pangulo ang mga miyembro ng LGBT community kung makumpirma nila o hindi kung bakla ang senador.
Kasabay nito ay inamin din ng Pangulo na dati siyang bakla noong siya ay nasa kabataan pa niya.
“Ako, bakla ako noon. Sinong bakla dito? Bakla man ako noon. Mabuhay ang bakla ng Pilipinas (Who is gay here? I used to be gay),” ani Duterte.
“Ang bakla marunong magtingin yan so kayong mga bakla, tanungin ko kayo, ano si Trillanes (Gays can sense and identify fellow gays. Now I ask you, what do you think of Trillanes?),” dagdag ng Pangulo.
Kwento pa ni Duterte, sa isang event ay may nagsabi sa kanya na bakla si Trillanes.
“Tapos kinalbit ako [ng katabi ko] sabi, ‘sir, bakla ‘yan (Trillanes).’ Sabi ko, ‘Totoo ka?’ Sabi niya, ‘Magtanong ka kahit sinong bakla at makita ‘yang gumalaw,” dagdag ni Duterte.
Pero hindi anya tulad ni Trillanes, nagamot niya ang kanyang pagiging bakla nang magpakasal siya sa unang asawa na si Elizabeth Zimmerman at nang makilala ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña.
“Mabuti na lang pareho kami ni Trillanes pero nagamot ko ang sarili ko noong kami na ni Zimmerman. Nung nakita ko si Mutya sabi ko, ‘Ah, eto na’, naging lalaki ako ulit,” the President added,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.