BI dumipensa sa paglabas ng bansa ng Chinese national na nasa expose ni Lacson

By Len Montaño May 31, 2019 - 04:42 AM

Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration sa paglabas ng Pilipinas ng Chinese national na si Jacky Co na pinangalanan ni Senator Panfilo Lacson na umanoy nasa likod ng shabu smuggling.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, hindi nila pwedeng harangan o pigilan ang pag-alis ni Co.

Ito ay dahil wala si Co sa BI watchlist o listahan ng mga taong may hold departure order.

Una nang sinabi ng ahensya na base sa inisyal na imbestigasyon, walang Interpol at travel records na match sa impormasyon na ibinunyag ni Lacson.

Ang pahayag ng BI ay kasunod ng pagkwestyon ng Senador sa paglabas-masok ni Co sa Pilipinas.

Si Co anya ang responsable sa pagpasok sa bansa ng 276 kilos ng shabu na nasabat sa Manila International Container Port noong March 22 na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon.

 

TAGS: Dana Sandoval, hold departure order, interpol, Jacky Co, Senator Panfilo Lacson, shabu smuggling, watchlist, Dana Sandoval, hold departure order, interpol, Jacky Co, Senator Panfilo Lacson, shabu smuggling, watchlist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.