Lalaki sugatan matapos saksakin at tagain sa Pasay City

By Rhommel Balasbas May 31, 2019 - 04:17 AM

Contributed photo

Patuloy na ginagamot at inoobserbahan ngayon ang kondisyon ng isang pedicab driver na pinagtataga at pinagsasaksak sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Jesrael Paradella na sinaksak at tinaga ng mangangalakal na si Gilbert Roxas.

Ayon sa imbestigasyon Pasay Police, binato ni Roxas ang aso ng biktima dahil hindi umano ito nakatali.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang umalis ang suspek pero bumalik ito na may dala nang kutsilyo at pantaga.

Iginiit ni Roxas na dinepensahan lamang niya ang sarili dahil susugurin umano siya ni Paradella.

Naabutan na lamang ng mga pulis na nakahandusay sina Paradella at Roxas sa harap ng HK Sun Plaza sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Gayunman nakalabas agad ng ospital ang suspek na nagtamo lamang ng minor injury at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Ginagamot naman ngayon sa Pasay City General Hospital ang biktima.

 

 

TAGS: ganti, HK Sun Plaza, Pasay, pedicab driver, saksakin, tagain, ganti, HK Sun Plaza, Pasay, pedicab driver, saksakin, tagain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.