Water level sa Angat Dam, pinakamababa na para sa buwan ng Mayo sa nakalipas na 10 taon
Muli pang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa 169.63 meters na sampung metro na mas mababa sa required minimum operating level na 180 meters.
Ayon sa PAGASA, ang antas ng tubig ng Angat Dam ngayon ay ang pinakamamaba na para sa buwan ng Mayo kumpara sa tala sa kaparehong buwan sa nakalipas na 10 taon.
Itinuturong dahilan ng weather bureau sa patuloy na pagbaba ng tubig sa dam ay ang epekto ng umiiral na El Niño.
Ayon kay weather specialist Richard Orendain, ang pinakamababang antas ng tubig sa Angat Dam ay noong July 2010 sa 157.56 meters.
Dahil dito, sinuspinde na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon para sa irigasyon at babawasan na rin simula Hunyo ang alokasyon para sa domestic use sa Metro Manila.
Patuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng halos araw-araw na nararanasang pag-ulan.
Ayon sa Bureau of Soil and Water Management (BSWM), patuloy silang nagsasagawa ng cloud seeding operations ngunit hindi pa ito nagdudulot ng magandang resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.