Warriors Center DeMarcus Cousins, maglalaro sa Finals Game 1 kontra Raptors

Aarangkada na ngayong Biyernes ng umaga ang Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Kasabay nito ay inihayag ni Warriors coach Steve Kerr na maglalaro ang kanilang center na si DeMarcus Cousins.

Hindi aktibo sa Warriors lineup si Cousins dahil sa injury nito sa kanang quadriceps muscle na kanyang nakuha sa Game 2 ng laban ng koponan kontra Los Angeles Clippers.

Una nang inakala ng team na hindi na maglalaro si Cousins hanggang matapos ang season.

Ayon kay Kerr, may plano na siya kung paano gagamitin si Cousins sa Game 1.

Ito ang NBA finals debut ni Cousins dahil hindi ito nakapaglaro sa anumang playoff games kundi ngayong season lamang.

 

Read more...