Malacañang umaasang babalik na sa normal ang relasyon ng Pilipinas at Canada

By Rhommel Balasbas May 31, 2019 - 03:28 AM

Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na babalik na sa normal ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sakaling maibalik na nang tuluyan ang tone-toneladang Canadian trash sa pinagmulan nito.

Sa panayam ng media sa Japan, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang isyu sa basura naman ang naglagay sa alanganin sa relasyon ng dalawang bansa.

“Hopefully ganun kasi that triggered the disruptive relations,” ani Panelo.

Dagdag pa ng opisyal, sakaling tapos na ang isyu posible ring ibalik na ang ini-recall na Philippine embassy officials.

Nakatakda nang dalhin pabalik ng Canada ngayong araw ang tone-toneladang basura na ipinadala sa bansa noon pang 2013 at 2014.

Bunsod ng basurang ito ay nagbanta ng giyera si Pangulong Duterte laban sa Canada.

Ipinag-utos pa ang ban sa biyahe ng government officials papuntang Canada.

 

TAGS: balik normal relasyon, Basura, canada, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Recall, balik normal relasyon, Basura, canada, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Recall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.