Duterte: Otso Diretso puro daldal, walang ambag

Kahit tapos na ang May 13 elections, hindi pa rin nakaligtas sa batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Otso Diretso.

Sa talumpati sa harap ng Filipino Community sa Japan, sinabi ng pangulo na walang ginawa ang mga kandidato ng Otso Diretso kundi dumaldal at wala naman umanong ambag ang mga ito sa gobyerno.

“Kung ’yan lang rin ang mga politiko, ‘yung mga Otso Diretso sa impyerno, remember those guys, kung sino ’yang naiwan diyan, walang ginawa kung hindi magdaldal, walang contribution,” ani Duterte.

Matapos ang pagbatikos sa Otso Diretso, pinuri ni Duterte ang credentials ni Senator-elect Ronald Bato Dela Rosa.

Siyam sa 12 nanalong senador sa nagdaang halalan ay sinuportahan ng pangulo.

 

Read more...