Bigtime rollback sa LPG ipatutupad bukas, Hunyo 1

Inaasahang sasalubong sa mga consumer bukas, Hunyo 1 ang bigtime rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa South Pacific Inc., nasa P6.20 kada kilo ang ibinaba sa contract price ng LPG o katumbas ng halos P70 sa kada 11 kilong regular na tangke.

Bunsod umano ito ng pagbaba ng demand sa China, pagnormal ng requirement sa India kasabay naman ng mataas na inventory ng supply mula sa US.

Bukod dito, isa pang good news ang naghihintay para naman sa mga motorista.

Ito ay dahil sa numumurong muli ang isang rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa unang tatlong araw ng trading sa world market, P1.50 ang nabawas sa presyo ng gasolina, P0.78 sa diesel at P0.75 sa kerosene.

Malalaman ang pinal na presyo ng rollback sa petrolyo at LPG ngayong Biyernes na huling araw ng trading.

 

 

 

 

 

 

Read more...