Dagdag pension sa mga beterano lusot na sa Committee level sa Kamara

WORLD WAR II VETERANS/MARCH 30, 2015 World War II veteran Porferio G. Laguitan, 91 years old, saluting during the singing of the national anthem on Monday flag ceremony in Taguig City Hall. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Inaprubahan na ng House Committee on Veterans Affairs and Welfare ang panukalang nagtataas ng Old Age Pension ng mga beteranong sundalo sa P10,000 kada buwan mula sa kasalukuyang P5,000.

Walang tumutol sa approval sa House Bill 6230 na naglalayong madagdagan ang limitadong resources ng mga sundalong beterano para makapamuhay ng disente.

Hindi naman sakop nito ang mga beteranong may tinatanggap nang kahalintulad na benepisyo na mula sa ibang ahensya ng gobyerno.

Dalawampu’t isang taon na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang limang libong pisong old age pension para sa mga beteranong sundalo.

Paliwanag ng mga Kongresista, talagang hindi sasapat ang halagang ito at katiting kung ikukumpara sa sakripisyong ibinigay ng mga beterano para sa bansa.

Suportado naman ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO ang panukala na kapag naging batas ay makakapag-benepisyo sa mahigit labing dalawang libong beterano na ang pinakabata ay nasa 84 years old habang ang pinakamatanda ay nasa 105 years old.

Read more...