1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng kuliglig at kotse sa Quirino

By Len Montaño May 31, 2019 - 02:02 AM

Saguday Police photo

Nasawi ang isang magsasaka habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng kuliglig at kotse sa Saguday, Quirino.

Dead on the spot si Louie Lumabao na nagmamaneho ng kuliglig.

Nagtamo naman ng sugat ang mga sakay ng kuliglig na mga kaanak ng namatay.

Ayon kay Police Captain Joel Guinobang, lumabas sa imbestigasyon na umagaw ng linya ang kotse.

Nag-swerve anya ang kotse kaya tumama ang likod ng sasakyan sa harapan ng kuliglig.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng kotse na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in Homicide.

 

TAGS: kotse, Kuliglig, quirino, reckless imprudence resulting in Homicide, Saguday, salpukan, swerve, kotse, Kuliglig, quirino, reckless imprudence resulting in Homicide, Saguday, salpukan, swerve

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.