M3.1 na lindol naitala sa Ifugao

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Ifugao alas-11:53 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 12 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Aguinaldo.

May lalim itong apat na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...