Sa talumpati sa harap ng Filipino Community sa Japan, muling binanggit ng presidente ang hindi pagtuloy ng US sa pagbebenta nito ng mga armas sa Pilipinas at kung paano tumulong ang China at Russia sa bansa sa kasagsagan ng Marawi Siege.
Ayon sa pangulo, masyadong bossy ang ilan sa mga opisyal ng America at walang palabra de honor kaya hindi siya nakikinig sa mga ito.
“Iba talaga sa America. Tsaka bossy masyado. Yung kanilang sarhento, tinyente kung magsalita akala mo heneral. Kaya hindi ako nakikinig sa kanila. I do not listen to you. Wala kayong word of honor,” ani Duterte.
Iginiit ng pangulo na ang may bansang may isang salita ay ang Japan.
Pinasalamatan ng punong ehekutibo ang mga tulong ng Japan sa bansa at maging ang maayos na trato nito sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
“Kung ako sa inyo, you help Japan. Truly, yung in good faith. Sweat it out. Kasi unang-una, they’re kind to us and they provide us with so many things, libre. Japan is a good country, at tsaka ang mga workers natin dito hindi binabastos. You are really treated here as human beings. Punta ka doon sa Middle East, doon ka maawa,” ayon sa pangulo.