Duterte binanatan ang US: ‘Walang word of honor’

By Rhommel Balasbas May 31, 2019 - 12:41 AM

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos dahil sa umano’y kawalan nito ng isang salita o ‘word of honor’.

Sa talumpati sa harap ng Filipino Community sa Japan, muling binanggit ng presidente ang hindi pagtuloy ng US sa pagbebenta nito ng mga armas sa Pilipinas at kung paano tumulong ang China at Russia sa bansa sa kasagsagan ng Marawi Siege.

Ayon sa pangulo, masyadong bossy ang ilan sa mga opisyal ng America at walang palabra de honor kaya hindi siya nakikinig sa mga ito.

“Iba talaga sa America. Tsaka bossy masyado. Yung kanilang sarhento, tinyente kung magsalita akala mo heneral. Kaya hindi ako nakikinig sa kanila. I do not listen to you. Wala kayong word of honor,” ani Duterte.

Iginiit ng pangulo na ang may bansang may isang salita ay ang Japan.

Pinasalamatan ng punong ehekutibo ang mga tulong ng Japan sa bansa at maging ang maayos na trato nito sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

“Kung ako sa inyo, you help Japan. Truly, yung in good faith. Sweat it out. Kasi unang-una, they’re kind to us and they provide us with so many things, libre. Japan is a good country, at tsaka ang mga workers natin dito hindi binabastos. You are really treated here as human beings. Punta ka doon sa Middle East, doon ka maawa,” ayon sa pangulo.

 

TAGS: China, Estados Unidos, Filipino community, Japan, ofw, pagbebenta ng armas, palabra de honor, Rodrigo Duterte, Russia, word of honor, China, Estados Unidos, Filipino community, Japan, ofw, pagbebenta ng armas, palabra de honor, Rodrigo Duterte, Russia, word of honor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.