Duterte inimbitahan na bumisita sa South Korea

By Len Montaño May 31, 2019 - 12:29 AM

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na muli siyang inimbitahan na bumisita sa South Korea.

Ayon sa Pangulo, inimbitahan siyang pumunta sa South Korea gayundin si Russian President Vladimir Putin.

Wala ng ibang detalye na ibinigay ang Pangulo tungkol sa imbitasyon.

“I am trying to figure out if it’s not too much,” pahayag ni Duterte sa Japan.

Sinabi pa ni Duterte na sa pagbiyahe na lang niya sa pamamagitan ng chartered flight ay gumagastos na ang gobyerno ng P5 milyon kada araw.

Matatandaan na noong June 2018 ang official visit ni Duterte sa South Korea.

Ang pagbisita ng Pangulo sa South Korea ay nagresulta sa pagpirma ng 4 na government-government deals at trade gayundin ang investment agreements na nagkakahalaga ng $4.9 bilyon.

 

 

TAGS: chartered flight, government-government deals, investment agreements, Japan, official visit, Rodrigo Duterte, Russian President Vladimir Putin, south korea, chartered flight, government-government deals, investment agreements, Japan, official visit, Rodrigo Duterte, Russian President Vladimir Putin, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.