Hindi nakapigil kay Pangulong Rodrigo Duterte ang presensya ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña para halikan ang limang Filipina sa gitna ng kanyang talumpati sa Japan.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ilang overseas Filipino workers ang sumigaw ng “Daddy kiss hug” na narining ng Pangulo.
Sa puntong ito ay inimbitahan ng Pangulo ang limang babae na umakyat sa stage at hinalikan niya ang mga ito sa pisngi habang nasa malapit lamang si Avanceña.
Samantala, sa kanyang introduction sa Pangulo ay emosyunal na ikunuwento ni Avanceña sa Filipino community ang kanyang buhay sa Amerika bilang OFW.
Nang siya na ang nagtalumpati ay sinabi ni Duterte na sinabihan niya si Honeylet na umuwi na sa Pilipinas nang malaman nito na buntis ang kanyang partner.
Ayon sa Pangulo, nakilala niya si Honeylet nang nanalo itong first runner up sa 1988 Mutya ng Dabaw.
Ipinakilala pa ng Pangulo si Avanceña na kanyang “one and only.”
“Itong babaeng ito, mahal ko talaga (I really love this woman),” ani Duterte
May anak ang Pangulo kay Avancena, ang 14 anyos na si Veronica o “Kitty.”
Pagkatapos ay sinabi ng Pangulo na tadhana anya ni Avanceña na maging first lady.
“No guarantees kung ano titulo mo, but it’s really a destiny na maging First Lady ka pero kung mayroon gusto sumunod, OK lang naman,” pahayag ng Pangulo.
WATCH: #PresidentDuterte kisses 5 OFWs during his meeting with the Filipino Community here in Japan. Honeylet Avanceña is sitting on the stage. #DuterteInJapan @inquirerdotnet pic.twitter.com/J9LxfqS4yd
— Nestor A. Corrales (@NCorralesINQ) May 30, 2019