Basura ng Canada, inilagay na sa barko na magbabalik nito sa Vancouver

By Len Montaño May 30, 2019 - 11:24 PM

DFA Sec. Teddy Locsin photo

Libo-libong tonelada ng mga basura ang inilagay sa barkong magbabalik ng mga ito sa Canada.

Sa Twitter posts ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ay makikita ang paglalagay sa mga container ng basura sa barkong M/V Bavaria.

Dumating ang barko sa New Container Terminal sa Subic alas 3:00 Huwebes ng hapon.

Tinanggal muna ang mga commercial cargoes saka inilagay ang 69 containers ng Canadian trash.

Hindi pinayagan ng DFA ang media na makunan ang paglalagay ng mga basura sa barko pero tiniyak ni SBMA chairperson and administrator Wilma Eisma na transparent ang proseso at dokumentado ng team nila ang paglalagay ng mga basura.

Sinabayan naman ng rally ng mga environmentalists ang paglalagay ng mga basura.

Bitbit ng mga raliyista ang mga banner na may nakalagay na mensaheng “Philippines is not a dump site.”

Alas 5:00 Biyernes ng umaga ang schedule na pag-alis ng barko laman ang mga basura mula Canada na pumasok sa bansa noong 2013 at 2014.

Aabutin ng 21 araw bago makarating ang mga basura sa Vancouver, Canada.

Inako ng gobyerno ng Canada ang gastos sa re-exportation ng mga basura.

TAGS: 69 containers, Barko, Basura, canada, DFA Secretary Teddy Locsin Jr., M/V Bavaria, re-exportation, sbma, SBMA chairperson and administrator Wilma Eisma, Vancouver, 69 containers, Barko, Basura, canada, DFA Secretary Teddy Locsin Jr., M/V Bavaria, re-exportation, sbma, SBMA chairperson and administrator Wilma Eisma, Vancouver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.