Timbog ang limang katao sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa Paco, Maynila Huwebes ng tanghali.
Nakilala ang mga nahuling suspek na sina Michelle Medrano, Marissa Antig, Mary Jane Dulay, Alfredo Anyag, at Ariel Munoy.
Sa ginawang operasyon, nakuha ang 28 pakete na 30 gramo ng hinihinalang at nagkakahalaga ng P204,000, drug paraphernalia, isang itim na kahon, at ilang mga wallet.
Mariin namang itinanggi ni Mendrano na pagmamay-ari nila ang nasabat na droga at hindi aniya sila nagtutulak ng ganoong kalaking kontrabando.
Aniya, runner lang sila na kumukomisyon ng tig P200 sa mga transaksyon at hindi ginagamit na drug den ang kanilang bahay.
Bukod dito, una ng nahuli ng Philippine National Police ang isang alyas “Cindy” na kasamahan ng limang suspek.
Tatlo sa mga nahuling suspek ay mga notoryos na pusher at pabalik-balik na sa kulungan.
Samantala, ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, naisagawa ang operasyon sa tulong ng menor de edad na ate ng 12 anyos na parokyano ng mga suspek.
Nagsuplong ang ate ng 12 anyos na bata dahil ginagamit ni Mendrano na tulad ang kanyang kapatid.
Sinabi rin ni Ortiz na maraming menor de edad ang lulong sa droga sa lugar at ginagamit ang mga ito bilang pusher.
Hirap din umano ang mga pulisya at otoridad na pasukin ang lugar dahil sa mga batang sumisigaw at nagbibigay babala sa mga user at pusher na nandoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.