Facebook page ng Parokya ni Edgar na-hack

Pinasok ng hackers ang Facebook page ng Pinoy band na Parokya ni Edgar.

Kinumpirma ng vocalist ng Parokya ng Edgar na si Chito Miranda na-hack ang kanilang FB page Huwebes ng gabi.

“Na-hack yung official Facebook Page ng Parokya. Tinanggal kami lahat as Admins. Ano kaya magandang gawin?” post ni Miranda sa FB account nitong may pangalang Alfonso Miranda Jr.

Screengrab of FB page

Pahayag ito ng singer matapos na malaman mula sa mga fans na nagkaroon ng malalaswang posts sa kanilang account.

Pero ang malaswang posts ay hindi mismo sa FB page ng banda kundi naka-share sa newsfeed ng mga followers ng page.

Isang netizen ang nagsabi na biglang naging porn site ang FB page ng Parokya ni Edgar.

 

Read more...