LOOK: 14 lugar, nakapagtala ng mataas na heat index sa araw ng Huwebes (May 30)
Nasa 14 lugar ang nakapagtala ng mataas na heat index sa araw ng Huwebes, May 30.
Sa datos ng PAGASA weather bureau, naitala ang pinakamataas na heat index sa Casiguran, Aurora na may 46.8 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.
Maikokonsidera sa danger category ang isang lugar na may heat index na 41 hanggang 54 degrees Celsius.
Pasok sa ‘dangerous level’ na heat index ang mga sumusunod na lugar:
– Alabat, Quezon (41.8 degrees Celsuis)
– Calapan, Oriental Mindoro (43.7 degrees Celsuis)
– Catbalogan, Western Samar (41.2 degrees Celsuis)
– Clark Airport, Pampanga (43.7 degrees Celsuis)
– Cotabato City, Maguindanao (43.3 degrees Celsuis)
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (41.2 degrees Celsuis)
– Cuyo, Palawan (43.4 degrees Celsuis)
– Dagupan City, Pangasinan (45.2 degrees Celsuis)
– Dumaguete City, Negros Oriental (43.5 degrees Celsuis)
– Roxas City, Capiz (42.3 degrees Celsuis)
– San Jose City, Occidental Mindoro (45.9 degrees Celsuis)
– Sangley Point, Cavite (45.4 degrees Celsuis)
Samantala, umabot naman ang naramdamang heat index sa bahagi ng Port Area sa Maynila sa 42 degrees Celsuis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.